Saturday, March 30, 2013
Lost thread. :(
Siguro ang weird naman nung title diba? Pero ayan yun naiisip ko na word to describe my recent standing.
I know.. Napaka lame naman nang reason ko para magkaganito. Pero hindi naman na ko mahihiya magsabi na im weak. Hindi naman masama umamin na paminsan nagiging tanga ka. Ok lang naman maging tanga paminsan minsan basta wag mo lang aaraw arawin. Baka kasi maging hobby muna.
Gusto ko nang unlimited na kausap. Sa mga araw na para akong dumaan sa ayokong ayoko na pakiramdam ko. Alam mo yun ganun? Yun iniiwasan mo na mangyari sayo. Mangyayari padin pala sayo. Sa panahon pa na hindi ko inaasahan. :'( Ayoko magpaka bayani para araw-araw na lumaklak nang alak para malasing ako at makatulog na lang agad. Hoo! Patricia. Hindi kapa ba sawa? TT
Nowadays.. Feel ko alone ako. Gusto ko umiyak nang umiyak. Gusto ko lahat nang bigat at sakin na nasa loob ko malabas ko na. Pero pinipigilan ko kasi una wala padin akong right para mag-iniyak sa mga bagay na ginusto ko naman. Nagkataon lang na hindi ako ginusto.
Sobra kasi akong affected kapag ang tao na nakapagsalita sakin ehh yun tao na madalang naman ako saktan sa pananalita. Yun tao na hindi ka naman madalas pagalitan. Yun tao na bumibida sayo. Yun tao na alam mo kakampi mo kahit hindi ka sigurado. Last night. Napagalitan ako sa bagay na hindi ko naman talaga kasalanan. Hindi ko naman kasi malaman bakit ang talas nang mga pananalita nang mga magulang sa anak e. Yun akala mo naman nakagawa na nang krimen kung sabihan nang mga tumatagos na salita. :(
Ok lang sana sakin yun mapagalitan o mapagsabihan e. Ang ayoko lang talaga yun sasabihan na ako nang bagay na HINDI NAMAN AKO.
Ang sakit kasi e. Yun sasabihan ka nang "Wala ka nang ginawa kundi umalis. Puro ka barkada!" Yun ganyan. Jan ako naiinis.. Hindi ko naman talaga intention na sumagot. Pero mahirap kasi ako masagad e. Parang wala akong nakikilala. Alam mo yun chance na sinabi ko na.. "Nag-aaral naman ako nang mabuti. hindi naman ako nag bigay nang mabigat na problema sainyo. Lahat naman naayos ko. Pero kung makapagsalita kayo. Akala niyo wla akong kwenta!: Huhuhu. TT
Hindi ko talaga matanggap yun part na bakit kapag ikaw gumagawa nang mabuti saknila ang bait nila sayo, Yun bida ka sakinla kasi napagbigyan mo sila ngayon. Pero kapag kaharap na yun iba. Anjan na yun minsan mapapaisip ka.." Asan ako??"
Yun kapag nakagawa ka nang isang pagkakamali. Parang nakasticker na saknila yun habang buhay at wala ka nang karapatan mag-bago. :(
Feel ko kulang pa. Feel ko hindi siguro ako yun favorite na apo. Hindi ako yun mabuting anak. Kaya siguro ganun yun napala ko. Yun kahit na magaral ka mabuti. Yun kahit makapagtapos ka. Kahit magpakabait ka na . Hindi counted. Kasi hindi naman recorded. :(
Ok na sakin maging masama sa paningin nang iba at kahit nang sino man. Kasi naniniwala pa din ako na may isa o dalawang tao sa mundo na to yun maniniwala at magtitiwala sakin. Ang hirap magpakitang gilas sa mga tao na hindi ka naman talaga maappreciate e. Nakakapagod lang. :||
Minsan nga kapag nagvivisit ako sa church. Hindi ko mapigilan. hindi ko mapigilan kung iiyak ba ko sa saya o sa hiya? Sa hiya kasi napaka makasalanan ko na nga pero eto padin ako walang sawa na humihiling sakniya. Sa tuwa naman kasi. Eto yun lugar na alam kong kaharap ko yun MAS nakakilala sakin nang sobra e. Siya yun takbuhan ko.. Sobra akong nahihiya sakniya lalo nung mga oras na naging mahina ako sa emotion ko. at nakagawa ako nang bagay na alam ko malulungkot siya.
But still.. Naniniwala pdin naman ako na dumaan lang sakin to..
Kahit saan tignan. May mga tao padin na nagtitiwala sakin at paulit-ulit na nasasabing..
"KAYA MO YAN"!!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)

No comments:
Post a Comment