Pages

Sunday, March 10, 2013

E-BOY!!





Matagal ko na talaga to naisip gawin. Kaso hindi lang talaga umubra kasi ang daming ginagawa. Ohh baka hinayaan ko muna na humaba yun pagkakilala namin at pagsasama.
Habang ginagawa ko to. Ang dami pumapasok sa isip ko na masasabi sa tao na to. Yun punong puno yun naiisip ko hindi ko lang talaga alam paano ko mauumpisahan.

Sa pagkakilala ko sakniya nung una. Normal lang. Classmate na makakausap. Na makakadaldalan.
Hindi naman kami ganun ka-tight dati. Tanguan lang. Yun maririnig ko lang na tinatawag siya sa attendance. Pero nung una aaminin ko. Hindi ko talaga siya kilala na classmate ko Hahaha! Siguro mga 3 weeks na nakalipas. Bago ko siya talaga marecognize.
Nadiscover namin na may kapangyarihan siya nung nauso na mag practical sa mga major subjects namin.
HAHAHA! Imba pala si loko. Ang taba nang utak na hindi naman kitain sa pagmumukha. Hindi naman siya mukhang nerdy eh. Ayun nga. Dun na nagsimula ang lahat.
Alam naman namin lahat na hindi ganun kadali ang pinasok namin. Pero bakit para sa kaniya ang simple lang? Yun kami natataranta na.. Pero siya KALMA lang? :)
Madalas ko siya titigan. Hanggang sa narealize ko na. Kung titignan mo siya parang wala lang. Pero pag nakikilala mo siya ang dami niyang branch. Simple kung tignan pero kakaiba kapag nakasama.

Nasukat ko yun ugali niya sa madaming madaming pagkakataon.
Pakiramdam ko kapag siya yun kausap ko. Iba ako. Kailangan ko maging responsable. Kailangan may mapatunayan ako kasi alam ko at ramdam ko na naniniwla siya sa kakayahan ko. Ilang beses ako na down at nag self pitty. Pero anjan siya para sabihin na "Kaya mo yan , Tiwala lang" :)
Hindi ko naman ginawa to para i-Build up siya. Ginawa ko to kasi gusto ko ipagmalaki na may nakilala ako na katulad niya.
Sa mundong to. Hindi lahat nang pinagpala kaya kang bahagian. Iilan ilan lang at isa na siya dun.
Siya yun tao na kapag tinawag mo para magpatulong hindi ka mabibigo lalo na at kung kaya niya.
Oo blockmates lang kami na nagkakasama sa school. Pero alam mo ba na siya ang nagtyga sa akin nung mga panahon na sobrang tinatamad na ko sa buhay ko. Lalo sa pag aaral ko.
Saan k nakakita nang nang irereview ka kahit sa chatbox nang fb? Para lang maturuan ka? Para lang may maisagot ka. Saan ka nakakita nang ka-group mo na leader mo na tuitor mo pa? Un ang sipag magpuyat sa mga bagay na dapat tapusin.
Ewan ko ba. Everytime na kachat ko siya. Then seryoso kami maguusap. Napapaiyak niya ko. :(
Siguro ganun talaga. Ang sarap kasi sa pakiramdam na may tao na alam mong may masama kang nagagawa anjan padin para magtiwala sayo. Anjan pdin para magbgay nang opinyon. Yun sa tuwing tintignan ko siya alam ko na nararamdaman niya kung ano yun dinadala ko.

Gusto ko makabawi sakniya nung mga panahon na nalaman ko na my field trip kami at hindi siya makakasama. gusto ko lang ipakita sakniya nun na joke time ko lang un pagkuha nang fund for him. Pero deep inside gusto ko talaga gawin yun. GUSTO ko makasama namin siya sa ganung bagay kasi kahit minsan wala akong naalala na kinalimutan na niya kaming LAHAT sa oras nang gipitan.
Sarap sa pakiramdam ko na mkita yun mga ngiti niya nun. Sobrang ibang iba sa pkiramdam. :)
Hindi ako magsasawa nang mga bagay na alam ko na mapapasaya siya. Lalo tuwing birthday niyan. Ako palagi ang treasurer. :P
Hindi ko makakalimutan. Nagkaroon kami nang activity sa psych namin nun. Kailangan mo nang tatlong papel magddrawing ka dun. Para sa tao na gusto mo pa makilala , yun tao na handa ka nang patawarin at yun tao na gusto mo pasalamatan.
Nung nagaabutan na lahat. Binigay niya yun papel sakin nang "Tao na gusto mo pasalamatan" .
Grabe hindi ko namalayan na naiiyak na ko. Kasi  ang tanong Bakit ako?
Ganun pa man. Cloud nine sa pakiramdam. :)

Sa tatlong taon na pagsasama. Nakilala ko siya bilang.
Mabuting anak , kapatid at kashutaan lalo nang kaibigan.HAHA Minsan nga matatanong mo ano bang masamang ugali mayroon siya? Bukod sa ang lakas nang trip niya mangurot sa batok ko. Sa belly ko.
Manggulo sa tuwing nkikita niya akong may ginagawa. Yun umaga pa lang ang lakas na mang-asar. At manloko na "Nicka saan kna naman galing kagabi?" HAHA
Nga pala dumating na rin ako sa punto na mas inisip ko pa na magagalit siya sakin kapag wala akong nagawa. Mas natakot pa ako sakniya kesa sa mga profs namin.Hihi ^^
Gusto ko mag thankyou. Sa lahat lahat nang mabuting kaugalian nang tinaglay niya at pinakita niya sakin at samin lahat. Masasabi ko na hindi ko naman mararating din to kung walang siya. Kung hindi niya inoffer lahat nang good deeds niya. :)

Your the MAN! RALPH JOHN GALINDO!!!! :))) 

2 comments:

  1. Hi ate..kayo po ba ung classmate ko??hahaha..jok..

    Na appreciate ko nikka..sobra..naiiyak ngako eh..penge tissue...hohoho...ay towel na pla..hahaha


    <3 ung mga tao sa paligid ko..sila ung lakas ko..

    wag ka mawawala aa.. :P










    dampanget mo..

    ReplyDelete
  2. that was a tearjerker te!!
    huhuhuhu

    Well, totoo nmn.. He's the man that makes you proud !!

    ReplyDelete