Paano ba dapat yun basehan para masabi na pantay oh hndi pantay nag buhay nang tao?
Sa nkikita ko. Hndi ko maisip minsan bakit my mga tao na kahit anong gawin pagod at puyat sa trabaho hndi pa din sapat pra mkaahon sa hirap? Yun mga pulubi na ngagawa magnakaw. Sumakay nang jeep para mgpunas nang paa at sapatos nang iba pra sa barya minsan sa kutsya pa. Smantalang minsan maiisip mo may mga tao na walang gingawa sa buhay pero kung makahatak nang pera ganun n lang? Un mga damit at gamit na branded kailangan pa pgipunan. Smanatalang un iba kahit sa tabi tabi lang pede na basta may magamit.
Mga pamilya na hndi na mkakain nang tatlong beses sa isang araw. Pero nagagawa pdin magsama sama. At magiging matatag kahit sobrang hikahos nang daloy nang pag-asa. Smantalang my mga pamilya na pinanganak na mayaman. Sunod lahat nang luho. Pero Hndi buo ang myembro nang pamilya. Un iba may sakit. Un iba hndi na alam kung saan dadalin yun pera? Sa tingin mo pera ba talaga un ngpapatakbo nang buhay?
Kpag exam niyo. Mamatay matay ka sa pag rereview samantalang pagdating sa test kopyahan na. Yun nageffort ka pero ngawa lkang balewalain. Sa lugar nang mhihirap. Mkikita mo. Un nanay labandera. Sugat na sugat na un mga kamay mka-kita lang nang kakapiranggot na pera pangkain sa pamilya. Samantalang yun mga tao na nasa politika pirma lang ng pirma gamit kamay nila pero kung magkaroon ng limpak limpak na pera ganun na lng? Yun tapos annag pagaaral pero wlang trabaho? Yun malalakas na katawan pero hndi magawa maghanap nang trabaho inasa nalang un sarili sa kawalan. Smantalang miski bulag at pilay nagagwa mamalimos sa kalsada mgkapera at makakain lang.
Mga holdapers. My mga matitinding problema kaya nkaka gawa nang krimen. Malay mo kailngan nang pambayad sa matrikula nang anak o kya pambayad sa ospital nang asawa. Yun mga studyante na pinag-aaral sa private schools pero anu? Wlang ginwa kundi uminom. Magbisyo! Mgbulakbol..Samantalang ang iba pagod sa kakaisip paano ang baon pra bukas? Saan mkakahagilap nang pmbayad sa pangangailangan..
At higit sa lahat.. Yun mag-asawa na wlang ginwa kundi humiling na biyayaan nang anak. Smantalang ang iba kung magpalaglag at tumapos nang buhay nang bata ay ganoon na lang..
Ngayon sa tingin mo? Pantay-pantay ba tlga tayo?
Sa araw-araw na dumdating yun bawat hirap nang buhay sa bawat isa. May mahirap my mayaman. Hndi mo kailangan itanong ky God kung natutulog ba siya? Kse hiling ka nang hiling hndi natutupad? O matagal bago dumating? Maniwla ka. Huwag ka mainip sa bagay na minamadli mo maging iyo. Kasi mas alam niya kung ano un bagay na para sayo. At hndi para sayo. Un kahirpan? Minsan tayo un gumgawa niya. "choice" ang buhay e. Mhirap kana nga hndi kapa gagawa nang mbuti? Hndi ka pa ba magsisikap para sa kaasensuhan nang buhay mo? Hndi naman dahilan yun kahirapan sa buhay pra mkagawa nang hndi mganda sa kapwa e. Minsan pasasalamat kapa bakit ka nging mhirap. Kse natuto ka. Kung ano ang mayroon sa wala. Alam mo na ang buhay kapag wla.Iniisip at naiinggit tayo sa iba na sobra sobra ang pera. Hndi dapat e. Kse may bagay na mayroon ka na wla naman sila. Sa bawat pagsubok. Sa bawat hirap. Uulitin ko.
MAHIRAP MAN O MAYAMAN. Pantay-pantay ang tingin satin ni God.
Huwag ka makalimot sa kniya pag masaya ka. Samantalang pag ngdadalamhati ka. Kulang na lang e akyatin mo ang langit marinig ka lng niya. Maging pantay ka sa pgtingin sa kniya. Mas masarap nga malaman yun mga tao na pagod at ang lalaki nang eyebags sa puyat kse nagsisikap. Smantalang ang iba. Matutulog na lng pra bukas. May magandang bahay. May magandang buhay. Pero hndi alam ang tunay na kasiyahan ng buhay.
Tanong ko sayo. Anu ang masarap na higaan?
Higaan na salembed? Un my aquarium sa kisame? Un sobrang lambot na kutson? Yan yan ang higaan nang mga tao na ngkamali nang tibok nang puso. Tumibok ang puso sa kayaman. At nagpasilaw sa liwanag nang kaperahan.
E kung sa papag? O banig lang? Yan naman yun mga tao na banat yun laman sa trabaho. Nkakatulog nang my kapayaan kse tumibok yun puso nila Kay God. =)
Hays! Ang sarap maglabas nang nlalaman. At masyado ako nainspire. Pra sakin. Pantay-Pantay tayo. Lalo sakniya. Maging patas lang din tayo sa buhay na binigay niya. (:
No comments:
Post a Comment